Libong Pinoy sa Lebanon, nais magbalik-'Pinas
- BULGAR
- Aug 18, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | August 18, 2024

Nagpahayag ang halos isang libong Pinoy na nakabase sa Lebanon ng kanilang kagustuhang bumalik sa 'Pinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa naturang bansa sa Middle Eastern, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na sa nasabing 1,000, may kabuuang 356 katao na ang na-repatriate. Mayroong humigit-kumulang 11,000 Pilipino sa buong Lebanon, at ilan sa kanila ay walang mga dokumento.
“Hindi pa masyadong interesado ang mga Pilipino na umalis, na lumikas kaya malakas ang panawagan ng ating embahada,” saad ni de Vega.
Matatandaang kamakailan lang nu'ng naglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Lebanon na agad na lisanin ng mga Pinoy ang bansa habang bukas pa ang mga paliparan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.





Comments