top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

LGUs na maraming batang bansot, dapat matutukan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2023
1 min read

@Editorial | May 30, 2023


Kaugnay ng katotohanan na marami pa rin ang nagugutom, inihayag naman ng Department of Health Public Health Services Team na ang mahihirap na local government units (LGUs) ang may mas mataas na bilang ng mga batang bansot.


Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga batang bansot ay ang mga taong maliliit para sa kanilang edad na resulta ng paulit-ulit na malnutrisyon.


Kaya inaasahan na ang mga ahensya ng gobyerno at iba pang grupo ay makapagbibigay ng solusyon upang makatulong sa paglutas ng problema sa malnutrisyon sa komunidad.


Hinihikayat din ang mga grupong gustong maghatid ng tulong na gawing simple ang kanilang mga alituntunin, kasangkapan, at programa para sa mas madaling pagpapatupad.


Marahil ay pagkakataon din ito sa mga LGUs na medyo nakakaluwag-luwag na magbahagi sa mga mas nangangailangan.


Mas mapalawak pa sana ang mga programa kontra malnutriston. Mabigyang-pansin ang mga batang halos walang makain at sa murang edad ay natututo na ring kumapit sa patalim.


Kung magiging maayos ang pamamahagi sa programang pa-food stamp ng gobyerno sa mahihirap, malaking tulong sana. Pero kung hindi naman makakarating sa talagang higit na nangangailangan, wala ring kuwenta.


Kaya sana, matutukan ito at mabantayang mabuti para maraming bata ang maitawid sa gutom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page