top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

LGUs kumilos na, 'wag nang hintayin ang bagyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2023
  • 1 min read

@Editorial | May 5, 2023


Sa tindi ng init ng panahon at bantang El Niño, ibinabala naman ang pagpasok ng bagyo.


Kaugnay nito, nanawagan na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local chief executives (LCE) sa buong bansa, na maghanda at magsagawa ng mitigating measures para mabawasan ang epekto ng El Niño phenomenon.


Sa Memorandum Circular (MC) No. 2023-065, naglabas ng kaparehong direktiba sa DILG Regional Offices, Bangsamoro Administrative Region for Muslim Mindanao (BARMM) Minister of the Interior and Local Government at iba pang mga kinauukulang partido.


Nilinaw naman ng DILG na ang naturang MC ay para sa mga provincial governors, city at municipal mayors pababa sa mga punong barangay, DILG Regional Offices at BARMM Minister.


Binigyang-diin na agad atasan ang mga LGUs na aprubahan ang mga ordinansa na makakatulong para mapigilan ang illegal water connections at hinikayat ang pagtitipid ng tubig.


Kasabay nito ang paghahanda sa sampu hanggang 14 bagyo na posibleng pumasok mula ngayong buwan hanggang Oktubre.


Siguro naman ay kabisado na natin ang sistema kapag may paparating na bagyo. Sana naman ay natuto na tayo at hindi na matigas ang ulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page