LGUs, dapat kumilos sa paglaban sa monkeypox – DILG
ni Lolet Abania | August 5, 2022

Naglabas ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na magpatupad ng mga measures upang maiwasan ang pagkalat ng monkeypox sa bansa.
“With the first confirmed case of monkeypox in the country, the DILG urged LGUs to undertake proactive measures to assist in the prevention of its transmission and spread in their respective areas of jurisdictions,” batay sa isang statement ng DILG ngayong Biyernes.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, dapat na maghanda ang mga LGUs para sa anumang maaaring mangyari kahit pa ang mga health authorities ay nagmo-monitor na ng mga inbound at outbound travelers para sa posibleng monkeypox cases.
“As the primary front liners in your areas, it behooves upon our LGUs to initiate precautionary measures and spread awareness to your constituents about monkeypox and what they need to do about it,” sabi ni Abalos.
Pinayuhan din ni Abalos ang mga LGUs na ihanda ang kanilang mga health offices at response teams para mag-implement ng mga guidelines ng Department of Health (DOH) hinggil sa surveillance, screening, management, at infection control ng monkeypox.
Ayon kay Abalos, dapat na mahigpit na i-monitor ng mga LGUs ang mga travelers mula sa mga bansa na may monkeypox cases na nakararanas ng signs at sintomas ng sakit.
Sinabi pa ng opisyal na ang mga lokal na awtoridad ay kailangan ding i-check ang mga private healthcare facilities upang matiyak na ang mga suspected at confirmed monkeypox cases ay naire-report sa DOH sa loob ng 24 hours.
Hinimok naman ni Abalos ang publiko na mahigpit na sumunod sa minimum public health standards na itinakda ng DOH, magsagawa ng disinfection measures, sanayin ang pagkakaroon ng hand and respiratory hygiene, at bawasan ang makihalubilo sa may sakit na mga indibidwal.
Matatandaan na noong Hulyo 29, ini-report ng DOH ang unang kaso ng monkeypox sa bansa na dumating mula sa abroad noong Hulyo 19.
Sa kabila nito noong Agosto 1, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi kailangan na isara ang mga borders sa bansa.





Comments