top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

LGUs, dapat handa rin sa balik-eskwela

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | June 2, 2026



Editoryal, Editorial


Sa nalalapit na pagbubukas ng klase, magiging abala na naman ang mga lansangan sa pagdagsa ng mga mag-aaral. 


Dahil dito, mahalagang pagtuunan ng pansin hindi lamang ang kahandaan sa mga gamit pang-eskwela kundi higit sa lahat ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante.

Taun-taon, may mga mag-aaral na nalalagay sa panganib dahil sa masasamang-loob, buwis-buhay na kalsada, mga pasaway na motorista, at iba pang suliraning pangkaligtasan sa paligid ng mga paaralan. 


Kaya naman, kinakailangang maging maagap ang mga lokal na pamahalaan, paaralan, at mga otoridad sa pagpapatupad ng mga programang magpoprotekta sa mga kabataan. 


Dapat tiyakin ang presensya ng kapulisan o mga tanod, maayos na daloy ng sasakyan, at ligtas na kapaligiran sa loob at labas ng paaralan.


Mahalaga rin ang papel ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak tungkol sa tamang pag-iingat habang bumibiyahe at nasa paaralan. 


Ang disiplina at pagiging mapagmatyag ay makakatulong upang maiwasan ang mga aksidente at iba pang panganib.


Ang edukasyon ay susi sa magandang kinabukasan, ngunit hindi ito magiging ganap kung nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga mag-aaral. 

Kaya sa pagbabalik-eskwela, dapat magtulungan ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page