Level-up na edukasyon, lalakas pa ang turismo.. Harvard at Stanford sa ‘Pinas

ni Mylene Alfonso | February 4, 2023

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na payagan ng gobyerno ang mga dayuhang unibersidad na makapasok at makapag-operate sa Pilipinas sa layuning mapabuti
ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito ang suhestiyon ni Gatchalian makaraang ibunyag na ilang educational institution ang nagte-training sa mga baguhang guro sa kabila na zero percent ang passing rate sa licensure examinations.
“One of the proposed amendments in the Constitution is to allow foreign teaching institutions, foreign universities to operate in our country,” sabi ni Gatchalian sa panayam ng ANC.
Inihalimbawa ng Senador ang Dubai sa United Arab Emirates kung saan pinayagan nito ang Stanford University at Harvard University ng kanilang operasyon sa kanilang bansa.
“Mobility in education is quite high and that is for the benefit of the host country because experts come here to conduct research and share it to local experts,” paliwanag pa ni Gatchalian.
Tinukoy din ni Gatchalian na ito ay magpapasigla sa turismo sa edukasyon dahil may mga mag-aaral na nagmumula sa mga bansa tulad ng India para makapag-aral ng medisina sa isa sa mga malalaking unibersidad sa Valenzuela City.
Ngunit inamin niya na ang pag-amyenda sa Konstitusyon para payagan ang mga dayuhang paaralan ay mangangailangan ng “mas malawak na talakayan” dahil sa mga isyu sa pulitika.





Comments