Level-up… MAVY AT KYLINE, ENDORSER NG WORLD-LEADING SKINCARE BRAND
ni Nitz Miralles - @Bida | July 10, 2022

Sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang newest ambassadors ng world-leading skincare brand na Clinique. Pumirma na ng kontrata ang dalawa na tuwang-tuwa sa bago nilang endorsement, lalo’t ginagamit nila ang skincare at beauty brands na ito.
“It’s such a prestigious brand, a nice brand, that we really use. And that’s what it’s about. That’s what we really want. Our motto’s like to be genuine with our fans. Of course, we wanted to be as authentic as possible. If we really don’t use it, we won’t show the people that we’re using it,” sabi ni Mavy.
Marami raw pinagpilian kahit sa Sparkle GMA artists na maging endorsers, pero sina Mavy at Kyline ang napili.
User pala si Kyline ng Clinique at ngayong endorser na sila ni Mavy, hindi na siya bibili ng favorite product niyang Clinique’s moisture surge. Bibigyan na lang siya.
Speaking of Mavy and Kyline, ang sunod nilang project sa GMA-7 ay ang adaptation ng Wattpad story na Love At First Read. Sa direction ni Mark dela Cruz, hindi pa inia-announce ang makakasamang cast ng dalawa.





Comments