top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Leni na malakas sa rally vs. BBM na mataas sa survey, sa halalan magkakaalaman

BULGAR
Mar 16, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 16, 2022



PARAMIHAN NG TAO VS. RATING SA SURVEY ANG LABANAN SA PRESIDENTIAL ELECTION — Matapos dagsain ng napakaraming tao ang mga grand rally ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo, ay naglabas na naman ng rating ang mga survey firms na top si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, Jr. sa mga kandidato sa pagka-presidente.


Dahil d'yan, ang usap-usapan ngayon ng publiko ay ang presidential election ay labanan ng paramihan ng tao at pataasan ng rating sa survey, boom!


◘◘◘


KUNG SINONG MAGWAWAGI SA ELEKSYON, 'YUN ANG MALAKAS! — Ang pokus ngayon ng publiko ay kina VP Leni at BBM, dinadagsa kasi ng tao ang mga grand rally ni VP Leni at sa kabilang banda, sa tuwing maglalabas ng rating ang mga survey firms ay si Bongbong naman ang laging top.


Para sa mga kakamPINK, si VP Leni ang malakas, at sa kabilang banda, sabi naman ng mga loyalista ay si BBM ang malakas.


Sa pinagtatalunang isyung 'yan, ay magkakaalaman talaga kung sino ang malakas pagsapit ng halalan, kasi kung sino ang magwawaging presidente, 'yun talaga ang malakas, period!


◘◘◘


DAPAT SUNDIN NI BBM ANG PAYO NG KANYANG ATE NA DUMALO SIYA SA DEBATE — Pinayuhan ni Sen. Imee Marcos ang kapatid na si BBM (Bongbong Marcos) na dumalo sa mga debate ng mga presidentiables.


Sa totoo lang, dapat sundin ni BBM ang payo ng kanyang ate kasi importante sa isang nais manungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na maipakita niya sa mga Pilipino at sa buong mundo na mahusay siya sa debate, na ang anumang isyung ipukol sa kanya, anumang isyung may kinalaman sa bansa at sa mga Pilipino ay handa niyang sagutin, boom!


◘◘◘


SARA AYAW SA DEBATE, DADAANIN NA LANG SA PAKAWAY-KAWAY ANG KAMPANYA FOR VP — Ang sabi ni vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte, hindi raw siya dadalo sa mga debate at bahala na raw ang mga botante kung nais siyang iboto.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Mayor Sara na dadaanin na lang niya sa pakaway-kaway ang mga botante at wala na siyang ilalatag na plataporma sa mga Pilipino, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page