top of page

Leni, lubog sa baha na namigay ng ayuda… MAG-AMANG LRAY AT LUIGI, NAKA-BOAT NA NAMIGAY NG PERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2024
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 26, 2024



Photo: Rep. Miguel Luis Villafuerte / Circulated


Pinagtsitsismisan sa social media ang mag-amang Luis at Luigi Villafuerte, mga top leaders sa lungsod ng Naga, Camarines Sur, at damay pa si Yassi Pressman.


Noong kasagsagan kasi ng Bagyong Kristine, napabalitang nasa Siargao at nag-e-enjoy diumano ang mag-jowang Yassi at Luigi Villafuerte. May mga pilit pang nagsasabi na “naipit” ang mga ito sa lugar dahil wala nga raw flight pauwi. 


Pero may mga nagtanggol naman agad sa mga ito dahil dati pa raw at luma na ang mga pictures o videos na kumalat. Kumbaga, fake news umano dahil outdated nga. 


But then again, may mga updated videos at pictures naman na kumakalat kung saan makikitang nakasakay sa magkaibang runner boats ang mag-ama at namimigay ng pera sa mga tao sa gitna ng baha.


Grabeng pambabatikos ang kanilang tinanggap dahil ginawa nga raw na ‘pera-pera’ lang ang alam nilang pagtulong sa mga kababayan nilang nasalanta ng Bagyong Kristine. 

Sana raw ay isinama na rin si Yassi kung ganu'n dahil noon pa man ay gamit na gamit na ito sa mga “paandar” nila.


“Ay, hindi puwede. Pang-glamor lang ‘yan at mga eksenang halikan. Hindi puwede sa baha,” ang tila pang-iinsulto ng maraming disappointed.


Kumpara nga naman sa isang Leni Robredo na very consistent sa mga aksiyong ‘makatao’ to the point na lumusong sa baha para mamigay ng ayuda, panis at laos daw ang style ng mag-ama, lalo’t mga celebrities mismo ang nagkukusang dumamay kay ex-VP Leni.



NOONG ikatlong araw ng Magpasikat Ka sa It’s Showtime (IS), ang hanay ng VIDA (Vhong-Ion-Darren-Amy) ang nagtanghal.


Gaya ni Direk Rory Quintos, kung hindi pa ipinaliwanag nina T'yang Amy and company ang naging konsepto ng performance nila ay hindi rin namin agad maikokonek sa naging takbo ng kanilang performances ang kabuuan nito.


Tungkol nga sa paggawa ng kabutihan bago pa man mahuli ang lahat ang tema nila, dahil as we all know, nothing is certain in this life. Hindi naman talaga natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo, kaya’t mas mabuting gumawa na ng mabuti.

In the spirit of fairness, napakahuhusay din nila gaya ng dalawang grupong nauna. Kakaiba rin ang kantahan, sayawan at drama nila.


Pero ang nakakuha rin talaga ng aming atensiyon ay ang pag-level-up ni Ion Perez sa mga kasamahan niyang sina Kuys Vhong, Darren at T'yang Amy.


May hugot, may lalim ang expression at kahit hindi pa nga ito sanay sa pag-deliver ng mga linya dahil sa accent nitong Kapampangan ba o Ilokano, puso niya ang nagsasalita.


Sey nga ni Direk Rory, if ever man daw na mag-comeback siya sa paggawa ng movies, kukunin niya si Ion bilang artista dahil nakikita niya rito ang lalim bilang aktor na may pinaghuhugutan na emosyon, may sinasabi ang mga mata nito, kargado at ramdam niya na magiging mahusay itong aktor.


Nag-segue pa ang isa rin sa mga hurado na si Alice Dixson na guwapo ang asawa ni Meme Vice Ganda at hinahangaan din niya ito.


Siyempre, bilang proud partner ni Ion, hindi ito pinalampas ni Meme at sinagot ang pagbati ni Alice sa kanyang funny way. Hahaha!

Hmmmm, kung senyales man ‘yun na mas magiging aktibo sa showbiz si Ion, wala nga sigurong panghihinayang kung totoo mang iaatras na niya ang kandidatura sa darating na eleksiyon sa lugar nila sa Tarlac.


Miss U, sigaw nang sigaw… GLORIA DIAZ, PINAGALITAN NG YAYA NI ISABELLE, TUMIKLOP




UY, very touching din ‘yung nasilip namin sa Bawal Judgemental portion ng Eat…Bulaga! (EB!) kung saan guest si Isabelle Daza at ang Yaya Luning niyang 36 years na sa kanila.


Si Yaya Luning na rin ang nag-aalaga sa kanyang anak dahil itinuring na siyang kapamilya ng Diaz at Daza families, bukod pa sa kasa-kasama ito kahit mag-abroad sila.

Never na itong nag-asawa at minsan na ring naibida sa children’s book na isinulat ni Isabelle para sa mga bata.


Kuwela ‘yung sa tagal na nilang magkakasama since kinuha nga itong yaya ni Tita Gloria Diaz, ay ito lang pala ang nagkaroon ng lakas ng loob na kagalitan ang former Ms. Universe.


Kuwento ni Isabelle, “One time, sigaw nang sigaw si Mommy dahil nagagalit ito. Sinaway siya ni Yaya at pinagsabihang ‘Ano ba, ang lakas-lakas ng boses mo, sigaw ka nang sigaw.”

Tapos, pumunta raw si Tita Glo sa room ni Isabelle at parang batang nagsumbong na, “Ey, yaya got mad at me dahil sigaw raw ako nang sigaw.”

Hahahaha! Wala lang, nakakaaliw lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page