top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Legendary Loyzaga, pormal na gagawaran ng FIBA Hall of Fame

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 11, 2023


Dalawang araw bago ang pormal na simula ng mga laro sa 2023 FIBA World Cup sa Philippine Arena, gaganapin ang seremonya para sa mga bagong halal na kasapi ng FIBA Hall of Fame sa pangunguna ng alamat “The Big Difference” Carlos Loyzaga.


Ang pagtitipon ay nakatakda sa gabi ng Agosto 23 sa Sofitel Philippine Plaza at sa unang pagkakataon, bubuksan ito sa publiko upang makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng FIBA Foundation Basketball For Good.


“Napakasuwerte ko po na matawag ko ng Daddy si Carlos Loyzaga, di lamang po dahil napakabuti niyang ama at tunay na tinitingala ko siya,” wika ng anak niyang si Teresa sa eksklusibong panayam ng BULGAR Sports. “Siya ang hero sa buhay ko at ngayon titingalain na rin siya ng buong mundo dahil sa galing at husay niya sa larangan ng Basketball.”


Maliban kay Loyzaga na sumakabilang buhay noong 2016 sa edad na 85, iluluklok din ang iba pang mga bituin na sina Yao Ming ng Tsina, Penny Taylor ng Australia, Katrina McClain ng U.S. Amaya Valdemoro ng Espanya, Wlamir Marques ng Brazil, Sonny Hendrawan ng Indonesia, Angelo Monteiro dos Santos ng Angola, Yuko Oga ng Japan at ang namayapa din na si Zurab Sakandelidze ng Georgia. Kasama rin sa listahan ang mga coach na sina Valerie Garnier ng Pransiya at Alessandro Gamba ng Italya.

Tunay na isang yaman ng Pilipinas ang aking ama, maipagmamalaki ng bawat Pilipino, isang alamat,” dagdag ni Teresa. “Mahal kita Dad, sana nandito ka pa at I miss you.”


Uuwi ang mga dadalo na may bitbit na hindi makakalimutang karanasan na makasalamuha ang mga malalaking pangalan sa basketball. Subalit mas mahalaga ay nakapagkawanggawa.


Bumisita lamang sa http://us.givergy.com/fibahalloffame upang masiguro ang tiket.


Pinapaalala na kailangang nakabihis pormal ang mga dadalo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page