Legal advice ni Roque kay Zaldy Co: Humingi ng asylum
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
by Lester Bautista @News | April 18, 2026

Photo: Zaldy Co at Harry Roque - FB
Legal advice ni Roque kay Co
Binigyan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ng legal advice ang dating kongresista na si Zaldy Co matapos maaresto nitong Huwebes, Abril 16, sa Prague, Czech Republic.
Ayon kay Roque, may karapatan umano si Co na humingi ng asylum matapos nitong ibulgar na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. umano ang mastermind sa pangungurakot sa flood control funds at sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Paliwanag pa nito sa kanyang “The Spox Hour”, maituturing umanong “whistleblower” si Co na dati ring chairperson ng House Committee on Appropriations, dahil ito ang nakakaalam ng detalye sa ginagawa ng Pangulo at ng pinsan nitong si dating House Speaker Martin Romualdez.
“So ‘yung ginawa mong pag-anunsyo na ang mastermind sa lahat ng kabulastugan sa budget ay si Marcos Jr. ay importanteng testimonya na nagpapakita na tunay na magkakanaw si Marcos at siya talaga ang mastermind ng kabulastugan sa gobyerno,” ani Roque.
Dagdag ni Roque, kung ang pagiging whistleblower ni Co ay magiging banta sa kanyang buhay, ito aniya ay basehan para humingi ang dating kongresista ng asylum.




Comments