LEA, FIRST PINAY SA HOLLYWOOD WALK OF FAME
- BULGAR

- 16 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 21, 2026

Photo: IG _msleasalonga
May Filipina nang magkakaroon ng sariling bituin sa Hollywood Walk of Fame. Ito ay walang iba kundi si Lea Salonga, bilang pagkilala sa kanyang outstanding contribution sa live theater/live performance.
Gaganapin ang ceremony sa September, halos kasabay ng Manila International Film Festival (MIFF) na naka-schedule sa September 3 to 6. Tatanggapin naman ni Lea ang MIFF Icon Award sa Closing Night Gala sa September 6 sa The Beverly Hilton.
And speaking of Lea, active ang career nito sa ngayon. She is on a roll, ‘ika nga. Kasama siya sa cast ng DreamWorks Animation na Forgotten Island (FI) bilang kontrabida.
Sabi ng mga directors ng movie na sina Joel Crawford at Januel Mercado, hindi sila nahirapang kunin si Lea. Nagpadala sila ng pitch at mabilis ang sagot ng team nito, kaya tinanggap ang offer.
Sina Liza Soberano at H.E.R. naman ang lead sa movie at sila rin ang mga boses ng mga pangunahing karakter.
Pinangungunahan din ni Lea ang mga Filipino talents sa soundtrack. Sa 37 tracks, she has six songs, kabilang ang A Parallel World (Amping Mix) kasama ang BINI.
Kumalat online… REGINE, PARTE NA RAW NG THE AVENGERS, PUMIYOK
“WHAT!!!!! IMBENTO!” ito ang naging reaksiyon ni Regine Velasquez sa kumalat na balitang kabilang siya sa susunod na Marvel Cinematic Universe (MCU) movie bilang bagong member ng Avengers at makikilala bilang Songbird.
Nagsimula ang usapan nang kumalat online ang isang post na nagsasabing “Songbird will be introduced in the MCU’s next saga,” at “She will be an official member of The New Avengers.”
Kalakip ng post ang edited na larawan ni Regine.
Pero agad itong nilinaw ni Regine at sinabing imbento lamang ang naturang balita. Ginawa rin itong biro at memes ng mga netizens dahil sa bansag sa kanya na ‘Asia’s Songbird’ na ikinonekta nila sa Marvel character na si Songbird.
Sobrang ganda at malaking balita sana ito kung totoo. Kaya naman maraming netizens ang nakisakay sa biro na naglabas ng kani-kanyang nakakatawang komento.
Ang MCU ang interconnected universe ng Marvel movies at series, kabilang ang Iron Man, Spider-Man, Captain America at The Avengers.
Bumoto raw sa mga magnanakaw dahi idol…
JOHN, MGA ‘BOBOTANTE’ ANG SINISI SA MATINDING BAHA
RAMDAM ang galit ng aktor na si John Arcilla sa post niya tungkol sa matinding baha sa Metro Manila dahil sa sunud-sunod na bagyo.
Para sa mga botante ang post ng aktor na ang sabi ay, “Marami nang mga namatay na kababayan natin dahil sa baha. Mas importante ba talaga ‘yung tigas ng ulo ninyo na bumoto sa mga IDOL n’yo DAHIL GUSTO N’YO LANG kahit KURAKOT, kesa sa buhay ng mga kababayan natin? Maayos ang buhay ng mga NAGNANAKAW ng pondo ng bayan, inuuto na kayo, sila pa rin ang PINIPILI ninyo.
“Marami sa aming nagsasalita na maayos din ang buhay—kaya kami nagsasalita dahil gusto namin na ang buwis na ibinabayad namin ay makapagligtas sa inyo pero ayaw n’yo maniwala at makinig. Puwede naman kaming manahimik na lang at panoorin kayong nalulunod sa baha pero hindi nagsasawa sa pagpapaalala. Kung mas pinipili ninyong maghikahos at lumubog sa baha, sige, BOTO LANG NANG BOTO ng mga MAGNANAKAW NG PONDO na dapat ay para sa kaligtasan ninyo at sana ng buong bayan.”
Marami ang sumang-ayon kay John na maraming ‘bobotante’ at sila ang dahilan kung bakit nananalo ang mga hindi dapat manalo.





Comments