top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LBJ at Giannis, team captains ng 2023 NBA All-Star Game

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 28, 2023




Magsisilbing mga kapitan ng 2023 NBA All-Star Game sina LeBron James at Giannis Antetokounmpo matapos nilang maging numero uno ng Western at Eastern Conference sa online botohan sa nakalipas na buwan. Sila ang pipili ng kanilang mga kakampi sa araw mismo ng laro sa Pebrero 20 (petsa sa Pilipinas) sa Vivint Arena na tahanan ng Utah Jazz at kabayan Jordan Clarkson.

Naboto rin bilang mga First Five ang mga guwardiyang sina Stephen Curry, Luka Doncic, Kyrie Irving at Donvan Mitchell at mga forward/center Nikola Jokic, Zion Williamson, Kevin Durant at Jayson Tatum. Maaaring kunin ng mga kapitan ang mga manlalaro buhat sa kabilang conference.

Ito na ang ika-19 na All-Star ni LBJ at hindi pa siya natatalo sa limang beses na hinirang siyang kapitan. Dalawang beses pa lang naging kapitan si Giannis noong 2019 at 2020 at parehong nabigo sa koponan ni LBJ.

Ginamit na batayan sa pagpili ng mga All-Star ang boto ng mga tagahanga (50%), mga mamamahayag (25%) at mga kapwa manlalaro (25%). Ang 30 head coach ng liga ang pipili sa 14 reserba na ipakikilala sa Pebrero 3.

Sa pagpapatuloy ng NBA Rivals Week, itinapal ng New York Knicks sa numero unong Boston Celtics ang bihirang ikatlong sunod na talo, 120-117, sa overtime mula sa TD Garden. Ipinasok nina Julius Randle at RJ Barrett ang apat na free throw sa huling 21 segundo para sa kartadang 27-23 habang bumaba ang Celtics sa 35-15.

Binigo ng bisitang Dallas Mavericks ang Phoenix Suns, 99-95, kahit sa unang 3 minuto lang naglaro si Doncic matapos mapilay ang bukong-bukong. Hindi sumapat ang 40 puntos ni Irving at yumuko ang Brooklyn Nets sa kulelat na Detroit Pistons, 130-122.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page