Laya na after 7 yrs.... Ex-VP Leni: De Lima, inspirasyon
- BULGAR
- Nov 16, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 16, 2023

Muling nagkasama sina former Vice-President Leni Robredo at ex-Senator Leila De Lima sa Camarines Sur ngayong Huwebes, matapos ang paglaya ng dating mambabatas mula sa halos pitong taon na pagkakadetine.
Nakita si Robredo na masayang nakakapit sa braso ni De Lima sa Naga City.
Noong Lunes, pinalaya ang ex-senator sa pamamagitan ng piyansa na tinawag ni Robredo na isang "tagumpay" para kay De Lima at sa bansa.
"Pinatutunayang muli ngayon na walang basehan ang mga paratang laban kay Senator Leila. Ang lahat ng mga paninira at panggigipit na naranasan niya sa loob ng halos pitong taon ay bunga ng kaniyang pangangahas na tumindig para sa tama—para sa ating mga kababayan," saad ni Robredo.
"Through all these years, Sen. Leila has been a source of inspiration for us. Her courage and her faith lent so many of us the resolve to continue fighting the good fight, to speak truth to power, and to keep believing that the Filipino people deserve so much more," dagdag niya.




Comments