Lauriatisimo, ipinapatok sa 3-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 16, 2022
May walong races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc, (MJCI) ngayong araw ng Miyerkules kaya pihadong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Dalawang Maiden races ang ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite parehong suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Magtatagisan ng bilis ang walong kalahok sa 3-Year-Old Maiden Race na ikakasa sa unang karera sa distansyang 1,400 meter, inaasahang magdodomina sa bentahan si Lauriatisimo na sasakyan ni class A jockey Kelvin Abobo.
Nakalaan ang added prize na P10,000, ang ibang kasali ay sina Bisyo Mag Serbisyo, Vitreus, Aliassime, Smart Ise, Mainlander, Gentle Giant at Che Che.
"Tingin ko patok na si Lauriatisimo, single ko na yan sa Pick 6 ko," saad ni Allan Castillo, karerista.
Sa pangatlong karera magtatagisan ng bilis ang mga kalahok sa 3-Year-Old & Above Maiden Race.
Tiyak na magiging liyamado sa laban si Eazacky dahil napili siyang pamprimera ng mga karera tipsters sa programa.
Pero naniniwala ang ibang karerista na mapapalaban ng todo si Eazacky kontra pitong tigasing batang kabayo sa distansiyang 1,400 meter race. Kukubrahin ng mananalong 3-year-old horse ang added prize na P10,000. Sasakyan ni class A rider JA Guce, makakalaban ni Eazacky sina Elegant Angel, Solution, Tan Goal Too, Sun Moon Lake, Kingwash Budget, Darna at Meghan Maxene.
Komento ng ibang mga karerista, posibleng maging mahigpit na karibal ni Eazacky sina Darna at Meghan Maxene sa event na suportado ng PHILRACOM.
Gagabayan ng isa sa mahusay na hineteng si Pabs Cabalejo si Darna habang sasakyan ni Jessie Guce si Meghan Maxene.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Lauriatisimo (2), Vitreus (3), Che Che (8)
Race 2. Rodrigo (5), Regan Bell (6), Smart Julliane (1)
Race 3. Eazacky (7), Darna (6), Meghan Maxene (8)
Race 4. Magat Salamat (4), Glass Designer (1), Great Year (2)
Race 5. Cannon Ball (4), Lucky saver (1), Minotaur (6)
Race 6. Blue Mist (3), Diwalwal (8), Commodora (7)
Race 7. Lucky Hilda (4), Arrogante (6), Divine Success (9)
Race 8. Birthright (2), Isa Pa isa Pa (9), Fredie Wong (8)
Patok - Lauriatisimo, Eazacky,
Pandehado - Magat Salamat, Cannon Ball, Lucky Hilda





Comments