top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

LATVIA umangat, ginulat ang 7th place na Italya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 8, 2023




Mga laro ngayong Biyernes – MOA

4:45 PM Serbia vs. Canada

8:40 PM USA vs. Alemanya


Patuloy ang pagpapasikat ng baguhang Latvia at pinabagsak nila ang Italya, 87-82, sa consolation round ng 2023 FIBA World Cup kahapon sa Mall of Asia Arena. Maglalaro na ang Latvia para sa ika-limang puwesto sa Sabado at kahit ano ang resulta, sila na ang magtatapos ng pinakamataas sa mga koponan na nasa pinakaunang World Cup ngayong taon.


Sa gitna ng banta ng Italya, bumanat ng pandiin na three-points si Andrejs Grazulis na may 24 segundong nalalabi upang makahinga ang Latvia, 87-82. Mula roon ay nagmintis ng tres si Stefano Tonut at sinungkit ni Aigars Skele ang bola para mapreserba ang resulta.


Walang mintis si Grazulis sa kanyang tatlong tres at nagtapos na may 28 puntos at anim na rebound. Sumunod si Skele na may 12 puntos at siyam na rebound.


Bumaba ang mga Italyano sa laban para sa ika-pitong puwesto. Nanguna sa kanila si Luigi Datome na may 20 puntos at Nicolo Melli at Tonut na parehong may 11 puntos. Hindi naglaro si Simone Fontecchio.


Ang Pilipinas ang may hawak ng marka na pangatlong puwesto sa kanilang unang World Cup noong 1954 sa Brazil, ang ikalawang edisyon ng torneo. Maaaring pantayan ng Latvia ang ika-limang puwesto ng Puerto Rico noong 1959 sa Chile at Poland noong 1967 sa Uruguay.


Naging malaking katanungan ang kakayahan ng Latvia matapos umayaw sa torneo si Kristaps Porzingis ng Boston Celtics na lumipad pa rin sa Pilipinas upang manood ng mga laro. Mas kilala ang Latvia sa 3x3 bilang unang kampeon sa Tokyo Olympics.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page