Lato-lato, bawal sa iskul

ni Madel Moratillo | June 14, 2023

Bawal magdala ng anumang laruan kabilang na ang sikat ngayong lato-lato sa mga paaralan.
Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Dr. Romeo Sta. Maria Egot, principal ng Bagong Barrio Elementary School sa Caloocan, sa kanilang eskwelahan kapag may nakitang laruan ang guro ay kukunin muna ito sa bata.
Pagkatapos ng klase, ibabalik din naman ito sa kanila.
Sa paglalaro ng lato-lato puwedeng magkapasa gaya sa braso.
Mas mabuting lagyan ng bimpo ang braso kapag naglalaro nito para iwas pasa.
Kaya payo ni Dr. Miko Almansec, kung magkapasa i-cold compress ito ng 15 hanggang 20 segundo, 2 hanggang 3 beses sa isang araw para maiwasan ang pamamaga.





Comments