top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

Last batch ng Asiad athletes umuwi na 

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
1 min read

by MC @Sports News | October 6, 2026



Alfonso Siklab Pickleball - MPPT

Photo: Ang huling batch ng mga atletang mula sa Asian Games Japan ang bumiyahe pabalik ng bansa kahapon kasama sina Golden Boys EJ Obiena ng pole vault at Jeus Gabriel Yape ng virtual taekwondo at POC president Abraham 'Bambol' Tolentino. (pocmedia)

 


Bumiyahe na pabalik sa bansa ang huling pangkat ng mga atletang Filipino na sumabak sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan at kasama ang una at huli rin nilang nakasuporta  at nagtungo roon na si Philippine Olympic committee President Abraham 'Bambol' Tolentino kahapon.  


Kabilang sa mga batch ng atletang huling umuwi kasabay ng POC prexy ay si Asian Pole Vault King EJ Obiena makaraan ang Asian Games closing ceremony.  Kasama rin ang gold medalist na si Jeus Gabriel Yape ng virtual taekwondo. 


Bago sumakay ng eroplano pabalik sa Pilipinas, personal na tiniyak ni Chief Tolentino na ang bawat miyembro ng pambansang delegasyon ay ligtas na naisa ilalim ng pangangalaga matapos ang dalawang nakakapagod na linggo ng world-class competition sa Japan.


Bago ang pag-uwi ng POC chief ay nakipagpulong muna ito sa mga matataas na pisyal ng Olympic Council of Asia para pagtibayin ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas sa pandaigdigang katayuan habang binabago ng bansa ang pokus sa nalalapit na SEA Games, AIMAG, at sa 2028 Los Angeles Olympics.  May 4 na ginto, 9 na pilak at 16 na tanso ang inuwi ng Pinoy athletes mula sa Asiad.


"Tayo ay babalik sa Pilipinas nang dala ang lahat ng panalo at aral na ating napulot mula sa katatapos na Asian Games. Patuloy tayong maghahanda para sa mga susunod pang laban,"ani Tolentino. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page