top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Last 3 pts. ni Dinwiddie, nagmilagro; Tatum at Brown, nanambak

BULGAR
Mar 18, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 18, 2022




Matapang na ipinasok ni Spencer Dinwiddie ang tres na may isang segundo sa orasan at ipinanalo ang bisitang Dallas Mavericks kontra sa Brooklyn Nets, 113-111, sa NBA kahapon mula sa Barclays Center. Pareho ang katapusan sa 122-120 pagwagi ng San Antonio Spurs sa Oklahoma City Thunder kung saan naka-shoot ng 3-points si Lonnie Walker IV na may isang segundo rin na nalalabi.

Matapos palamangin ng 3-points ni Kevin Durant ang Nets na may 10 segundo sa laro, 111-110, tumawag ng timeout ang Mavs at binaba ni Luka Doncic ang bola subalit sinalubong siya ng dalawang bantay kaya ipinasa ito kay Dinwiddie na pumukol agad. Nagtapos si Doncic na may 37 puntos habang 22 puntos si Dinwiddie na naglaro sa Brooklyn mula 2016 hanggang 2022.

Binawi ni Aleksej Pokusevski ang lamang para sa Thunder, 120-119, at nag-timeout ang Spurs upang maayos ang huling 4 na segundo at tumanggap ng pasa si Walker mula kay Devin Vassell para sa milagro. Nagsumite ng 26 puntos at 12 assist si All-Star Dejounte Murray at nabuhay ang pag-asa ng Spurs na makasingit sa Play In Tournament sa kanilang 27-43 panalo-talo at habulin ang 28-41 New Orleans Pelicans para sa ika-10 pwesto.

Saglit lang nalasap ng Dallas ang solong ika-apat na pwesto sa West at pumantay muli sa kanila ang Utah Jazz na giniba ang bisitang Chicago Bulls, 125-110. Bumanat ng siyam na tres si Donovan Mitchell patungo sa 37 puntos at tinulungan siya ni kabayan Jordan Clarkson na may 26 puntos.

Tinambakan ng bisitang Boston Celtics ang Golden State Warriors, 110-88, sa likod ng parehong 26 puntos nina Jayson Tatum at Jaylen Brown. Lumabas at hindi na bumalik sa laro si Stephen Curry matapos masaktan ang paa sa malakas na foul ni Marcus Smart na may apat na minuto pa sa 2nd quarter.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page