top of page

Larga na ang face-to-face classes next year? abangan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 5, 2022



HINDI na maiiwasan ang face-to-face classes next school year.


Lahat ay patungo na sa ‘new normal’!

◘◘◘


MAS mainam ay higit pa sa normal ang ipatupad upang makaresbak

Mula sa naranasang pandemic.


Ibig sabihin, dapat may inobasyon ang pagbabago!


◘◘◘


NAPAPANAHON ang plano ni Atty. Alex Lopez at kanyang maybahay na si Sarah Laurel-Lopez na isamoderno ang academic environment sa Maynila.


Nais ng mag-asawa na kopyahin ang bagong tayong Sotero H. Laurel Academic Resource Center na itinampok sa 70th Founding Anniversary ng Lyceum of the Philippines University.

◘◘◘


ISINABAY ang okasyon sa kaarawan ng dating pangulo ng Pilipinas na si Jose P. Laurel noong Marso 1.


Kung sakaling magwaging mayor, katambal si Raymond Bagatsing, isasamoderno nila ang mga eskuwelahan sa Maynila na may kumpleto at de-kalidad na library, libreng wifi at may skygarden.

◘◘◘


KAPANSIN-PANSIN ang maayos na pagtanggap ng mga Manilenyo sa lahat ng presidentiables gayung kandidato rin si Yorme Isko.


Kumbaga, walang masamang tinapay sa Maynila!


◘◘◘


INAASAHANG dadalaw ngayon sa Maynila ang binansagang “Agila ng Davao” na si Mayor Sara na kumakandidatong vice-president.


Makikita natin ang magiging pagtanggap ng Manilenyo kay Pangulong Duterte na itsinitsismis na idinidikit din kay Mayor Isko.


◘◘◘


PERO ang pagdalaw ni Inday Sara ay pangangasiwaan ng tandem nina Lopez at Bagatsing na kumakandidatong alkalde at bise alkalde.


Bitbit nina Lopez at Bagatsing si ex-Sen. Bongbong Marcos bilang pangulo.


◘◘◘


ISASAGAWA ang programa sa Manila Golden Mosque, alas-8:00 ng umaga.


Inaasahan ni Lopez na magsusuot sila ng kulay berde upang ipakita ang kanilang suporta sa susunod na bise-presidente.

◘◘◘


HILING ni Lopez na panatilihin ang pagsusuot ng facemask at paggamit ng alcohol bilang pag-iingat laban sa COVID-19.


Ano kaya ang masasabi ni Doc Willie sa pagdating ng kanyang karibal na suportado rin ni Yorme?


He-he-he!

◘◘◘


TALIWAS sa ipinangako ng US at NATO, walang direktang saklolo na tinatanggap ang Ukraine sa unang linggo ng digmaan.


Imbes na saklolohan, inalok ng US ang pangulo ng Ukraine na itakas palabas ng bansa tulad ng ginawa kay dating pangulong Marcos.


◘◘◘


SUPORTADO ng US ang mga unang taon ni Marcos sa Palasyo pero nang mahalata ng mga ito na masyadong patriotiko at popular si Marcos, bumaliktad ito.


Imbes na tulungan si Marcos, sinaksakan ito ng pampatulog at tinangay patungo sa Hawaii.

◘◘◘


NAKIKITA natin na binobola lang ng US at NATO ang Ukraine, kung saan inamin nilang umiiwas sila nang direktahang sagupa sa puwersa ng Russia.


Malinaw na malinaw ito.


Hindi rin tutulungan ng US ang Pilipinas kapag nagkaroon ng komprontasyon ang AFP at China sa Spratly Islands taliwas sa ulat ng international press.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page