top of page

Lani, umaming bingi na sila ng mister dahil sa sakit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | December 26, 2020




Naging emosyonal ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa Christmas episode ng “The Clash” sa GMA 7 kung saan siya Judge matapos sabihin na nagkaroon silang mag-asawa ng sakit na naging dahilan ng kanilang pagkabingi.


Aniya, “Meron po kaming vestibular dysfuntion, kaya po kailangan namin ng alalay lagi.”


Ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng vestibular dysfunction ay head injury, viral infection, stroke at marami pang iba. Sina Lani ay nagkaroon nito dahil sa bacterial meningitis.


Nakaranas umano ang mag-asawa ng pananakit ng katawan at ulo noong Oktubre na ilan sa mga sintomas ng vestibular dysfunction, kaya agad silang dinala sa ICU.


“Meron lang talaga kaming patuloy na nararamdaman which is ‘yung dizziness and pagkahina ng pandinig. Para kang nasa ilalim ng tubig, so muffled talaga saka high-pitched,” kuwento nito.


“Alam mo ‘yun, na parang, ‘paano ito? Singer ako, kailangan ko ng pandinig ko,” dagdag pa ni Lani.


Sinabi rin ni Lani na baka hindi talaga para sa kanya ang pagkanta.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano matanggap ni Lani ang nangyari sa kanilang mag-asawa.


“Sabi ko okay lang, kung ito yung binigay na challenge then I’ll take the challenge.”


"Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa," dagdag ni Lani.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page