Landslide sa Subic Bay Freeport, 2 todas
- BULGAR

- 20 hours ago
- 1 min read
by Jeff Tumbado @News | August 31, 2026

Photo: Subic Bay Metropolitan Authority / Circulated
Dalawang manggagawa ang nasawi habang dalawa pa ang sugatan makaraang matabunan sila ng gumuhong lupa sa Tipo High-Tech Park sa Subic Bay Freeport kasunod ng walang tigil na malakas na pag-ulan nitong Sabado.
Batay sa ulat ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Law Enforcement Department (LED), nakilala ang mga nasawi na sina Peng Jiahan, 26, isang Chinese national at sales and marketing supervisor ng Fubong Environmental Technology, at Ernesto Ramos, isang Filipino national na dump truck driver.
Natagpuang walang malay ang apat na manggagawa at agad na isinugod sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa Olongapo City. Gayunman, idineklarang patay ang dalawa.





Comments