Landslide sa Davao, 1,800 katao pinalikas

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 17, 2024

Inilikas ang 1,800 na tao o 446 na pamilya dahil sa masamang panahon na dala ng shear line na nagdulot ng baha at landslides sa Davao Region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules.
Sa pinakabagong ulat nito, sinabi ng NDRRMC na nananatili sa pitong evacuation centers ang mga pamilyang nailikas sa Davao de Oro (1,332) at Davao Oriental (468).
Ayon sa NDRRMC, 11 insidente ng pagbaha at tatlong insidente ng landslides ang iniulat sa Davao de Oro at Davao del Norte dahil sa masamang panahon.
“On 16 January 2024, at around 1:50 a.m., flooding and landslide incidents occurred in some Barangays of Mawab, Nabunturan and Maragusan, Davao de Oro,” saad sa ulat.
“At around 4:00 a.m. of the same date, flooding incidents also occurred in municipalities of New Corella, Kapalong and Panabo City, Davao del Norte due to shear line,” dagdag nito.
Dahil patuloy ang pagtaas ng tubig baha, patuloy din ang mga operasyon para sa evacuation at rescue para sa mga pamilyang apektado sa ilang barangay sa Tagum City at bayan ng New Corella sa Davao del Norte.





Comments