top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo na’t nasa gitna ng Pacific ring ang ‘Pinas… Importante na paghandaan ang kalamidad

  • BULGAR
  • Nov 15, 2022
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 15, 2022




Hello, Bulgarians! Nagdaos ng expo ang Department of Science and Technology (DOST) na may temang Handa Pilipinas: Innovations in Risk Reduction and Management Expo 2022, upang talakayin kung paano harapin ang hamon ng kalamidad. Ang tatlong araw na kaganapan ay idinaos mula Nob. 9 hanggang Nob. 11. Binigyang-pansin ng lahat ang kahalagahan ng paggamit ng siyensya o agham, teknolohiya at inobasyon sa pag-iwas at pag-ingat sa mga kalamidad, tulad ng bagyo at lindol.


Lumilitaw sa ulat ng World Risk Index na ang Pilipinas ay matatagpuan sa pinakadelikadong lokasyon sa may 193 bansa. Ito ay dahil nasa gitna ng tinatawag na Pacific ring ang bansa, na nangangahulugang ito ay madalas tamaan ng bagyo o lindol. Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, Jr., hindi man maiwasan ang kalamidad ngunit may magagawa naman para labanan ito at kailangan ng ibayong pag-iingat.


Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ay sina DOST Undersecretaries for Operations, Engr. Sancho Mabborang; for Research and Development, Dr. Leah Buendia; Engr. Carlito Marquez, Aklan’s 1st District Rep. at House Committee Chairman on Science and Technology. Sinabi ni Mabborang na batay sa masusing pagsasaliksik at pag-aaral, ang Pilipinas ay ang pinaka-disaster-prone na bansa sa buong kapuluan.


Marami ring exhibitors at imbentor and dumalo at nagpakita ng kani-kanilang imbensyon na makatutulong kung paano suungin ang mga kalamidad.


“It is unimaginable how we met the impact of these hazards brought by the loss of lives and livelihoods and disrupted our society and ultimately our economy,” ani Mabborang. Ito rin umano ay nakakapigil sa sana’y tuluy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya.


Samantala, sinabi ni Marquez na noon pa ma’y nagbabala na ang United Nations sa umano’y patuloy na pagtaas ng nakalalasong greenhouse gasses. Ito umano ang nagpapainit sa planeta ng mundo at nagpapabagu-bago sa uri ng panahon. Ang human activities, ayon kay Marquez ay siyang sanhi ng ibinubugang carbon dioxide na masama sa kalusugan ng tao. Inaasahang may napalang leksyon ang mga dumalo sa pagtitipon paglabas nila ng World Trade Center.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page