top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalaking viral matapos sumali ng 'It's Showtime,' bayad na sa utang sa ex

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2024
2 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 4, 2024




Gumawa ng ingay ang isang recent episode ng noontime show na 'It's Showtime' dahil sa kwentong ibinahagi sa kanilang segment na 'Expecially For You.'


Sa pagbabahagi nga ng mag-ex na sina Darl Ocampo at Gleanne Gabriella ay nabuwisit ng lalaki ang madlang pipol matapos niyang amining merong punto sa naging relasyon nila na ginagamit niya na lang ang kanyang partner.


Matapang din ang naging pag-amin ni Darl na may utang pa siya kay Gleanne na nagkakahalaga ng P14 K na ilang taon niya nang hindi nababayaran.


Naging honest naman sa pagbibigay ng kanilang opinyon at saloobin ang mga host ng segment na umani rin ng samu't saring reaksyon galing sa viewers.


Kamakailan nga matapos ang segment, ibinahagi ni Darl ang isang update patungkol sa kanilang kwento dahil nabayaran na ang nag-viral na utang.


Sey ni Darl sa isang Facebook post, "Hello, guys. Sa mga [nag-a-ask] and humihingi po ng updates, settled na po. Humihingi po ako ng sorry sa lahat and lalo na po kay Gleanne Gabriella sa mga nagawa ko noon. That time [walang-wala] ako dahil na rin sa problem at wala akong work. Dahil sa naging issue, binigyan ako ng chance at pinagkatiwalaan ako ngayon ng family ko para mag-manage ng business namin. Sa ganu'n may income ako na pumapasok at makakaipon na rin nang paonti-onti."


Dagdag niya, "Sa mga nagalit and nang-bash maraming salamat pa rin po. Deserve ko po lahat, marami po akong natutunan at realizations. Sa mga naintindihan po ako, and still sumuporta, maraming salamat po. It's Showtime, and sa Expecially For U, maraming salamat po."


Kalakip ito ng isang larawan at video nila ni Gleanne na hawak na ang kabayaran.

Umani naman ang post na ito ng positibong reaksyon galing sa netizens at mukhang nakabawi na si Darl sa mga netizens na uminit ang ulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page