ni Angela Fernando @News | May 13, 2024
Pumanaw ang unang lalaking nakatanggap ng kidney transplant mula sa isang baboy dalawang buwan matapos ang operasyon nito.
Kinilala ang lalaking si Richard "Rick" Slayman, 62-anyos, na nakaranas ng end-stage kidney disease bago sumailalim sa nasabing operasyon nu'ng Marso.
Ayon sa Massachusetts General Hospital (MGH), walang indikasyon na ang kanyang pagkamatay ay bunga ng transplant.
Matatandaang nabigo ang mga naunang transplant mula sa mga genetically modified na baboy ngunit ang operasyon kay Slayman ay naging makasaysayan.
Bagaman si Slayman ang unang tumanggap ng bato ng baboy para gamitin sa isang tao, hindi ito ang unang organ ng baboy na ginamit sa isang procedure o operasyon.
Dalawang iba pang pasyente ang nakatanggap ng transplant na puso ng baboy, ngunit ang mga procedure ay nabigo dahil parehas na namatay ang mga pasyente ilang linggo matapos ang operasyon.
Comments