top of page
Search
  • BULGAR

Lalaking nag-amok, patay nang barilin ng gwardiya sa Ermita

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 9, 2024




Patay ang isang nag-amok na lalaki matapos na barilin ng isang gwardya sa Mabini sa may kanto ng Pedro Gil sa Ermita, Maynila.


Pagbabahagi ng isang saksi, isang alyas Bogart ang nakaalitan ng lalaki bago ang nasabing pamamaril.


Ilang ulit na hinataw ng itak ng lalaki si Bogart na nakatakbo ngunit bumagsak din pagkaraan ng ilang sandali.


Lumapit ang kalapit na gwardya ng isang hotel para awatin ang suspek na hindi huminto.


Nagpaputok ng warning shot ang gwardya at nang humarap ang suspek ay natakot itong hatawin din siya ng itak kaya nagdesisyon siyang barilin ito sa dibdib.


Saad ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nagbigay ng paunang lunas ang gwardya bago isugod ang biktima ng pananaga sa ospital.


Narekober sa crime scene ang dalawang bala ng baril at kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-Homicide ang gwardya na nasa ilalim ng imbestigasyon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page