Lalaking nag-aayos ng internet, nakuryente dedo

by Mai Ancheta @News | September 20, 2026

Photo: FP
Nasawi ang 28-anyos na technician matapos makuryente habang inaayos ang linya ng internet sa Brgy. Katangawan, General Santos City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Arjay, residente rin ng lugar.
Batay sa report ng pulisya, aksidenteng nahawakan ng biktima ang live wire habang inaayos ang linya ng internet.
Dahil sa lakas ng boltaheng tumama sa biktima, nahulog ito sa madamong bahagi at nawalan ng malay.
Agad dinala sa pagamutan ang biktima, subalit hindi na ito umabot nang buhay.





Comments