Lalaki, tiklo sa pagbebenta ng registered SIM cards
- BULGAR

- 23 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | September 2, 2026

Photo: Lalaki huli sa pagbebenta ng regisitered SIM cards - PNP Anti Cybercrime Group.
Arestado ang isang 26-anyos na lalaki sa Obando, Bulacan dahil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng registered SIM cards online.
Ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group, nahuli ang suspek sa entrapment operation matapos ma-monitor ang kanyang online advertisement.
Sinabi ni PNP-ACG acting director Maj. Gen. Wilson Asueta na bumibili rin umano ang suspek ng SIM cards sa iba at may ilan ding siya mismo ang nagrerehistro.
Nag-iiba umano ang presyo depende sa paggamit at registration status. Ang regular SIM ay maaaring ibenta sa P10, registered SIM sa mahigit P100, habang ang SIM na konektado sa financial accounts ay umaabot umano sa P3,500.
Kabuuang 400 SIM cards ang nakumpiska at isasailalim sa Warrant to Disclose Computer Data at karagdagang imbestigasyon. Sinusuri rin ng pulisya ang mga posibleng paulit-ulit na bumibili ng registered SIM cards mula sa suspek.





Comments