PATRICK GARCIA, UMAASANG MULING MAGKAKAROON NG UGNAYAN SA ANAK NA SI JAZZ

by BRO @Entertainment | September 30, 2026

Photo: Patrick Garcia, Jennylyn Mercado / FB
Umaasa si Patrick Garcia na hindi pa huli ang lahat para maibalik ang magandang relasyon nila ng anak na si Jazz, na huli niyang nakita noong 2017.
Sa panayam niya kay Ogie Diaz, sinabi ng aktor na hindi na rin siya nakapagbigay ng pinansyal na suporta kay Jazz mula noong 2017 matapos umano siyang hindi na makatanggap ng tugon mula kay Jennylyn Mercado sa kanyang mga mensahe.
Aminado si Garcia na naging hindi siya regular sa pagbibigay ng pera at oras dahil sa pabago-bagong trabaho bilang artista.
“Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan. I can’t force myself. I’m at the mercy of Jen’s reply,” ani Garcia.
Nagpasalamat din siya kay Dennis Trillo sa pag-aalaga kay Jazz at sinabing patuloy siyang umaasang magkakaroon sila ng pagkakataong magkaayos ng anak.
“I will always try for Jazz. That’s the only thing I can do,” ani Garcia.





Comments