top of page

Lalaki, nahulog sa elevator mula 12th flr., patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 44 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 4, 2026



Police line do not cross

Photo: File



Dedo ang isang 33-anyos na lalaki matapos mahulog sa elevator shaft na nasa loob ng isang condominium kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.


Ayon sa sketchy report ng Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng tawag, alas-3:30 ng madaling-araw kaugnay sa isang lalaki na nalaglag mula sa elevator shaft ng Victoria De Manila II na nasa Taft Avenue, corner Malvar Street, Brgy. 696.


Natagpuan ng mga imbestigador na wala nang buhay ang biktima na sinasabing nahulog mula sa ika-12 palapag.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng mga bali sa katawan, sugat sa ulo at katawan ang biktima.


Sa impormasyong nakuha, uminom umano ng alak ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan alas-8:30 ng gabi sa kanyang unit simula Mayo 2 at lumipat na sa kalapit na bar ala-1:39 ng madaling-araw.



Nang bumalik sa condo ay sumakay ng elevator at paglabas ay nawalan umano ng balanse at napaupo sa sahig at sumandal sa isang Hardiflex board na nasa malapit sa elevator area kung saan bumigay ang sandalan kaya bumulusok ang biktima.

Alas-3 ng madaling-araw nang ideklarang patay ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page