top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Lalaki, kinatay ng ex ng ka-live-in

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | November 10, 2026



Lalaki, kinatay ng ex ng ka-live-in

Photo: File



Tinadtad ng saksak ang isang lalaki ng dating kinakasama umano ng kanyang live-in partner, sa bakanteng lote ng Treelane 3 Residences, Brgy. Bucandala 1, Imus City, Cavite, kamakalawa ng madaling-araw.


Kinilala ang biktima na si alyas JV, 26, habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Jerome, 36.


Sa imbestigasyon, dating kinakasama umano ng suspek ang kasalukuyang live-in partner ng biktima na si alyas Cath. 


Nabatid na nagtungo pa umano ang suspek sa barracks nito noong ikalawang linggo ng Oktubre na may dalang kutsilyo at hinahanap ang biktima. Nang hindi matagpuan, nagalit umano ito at nagbantang papatayin ang lalaki.


Noong Nobyembre 4, nagtangka pa umano itong makipagbalikan kay Cath ngunit tinanggihan siya nito at piniling manatili sa biktima. Pagsapit ng madaling-araw ng Nobyembre 8, pinagsasaksak umano ng suspek ang biktima gamit ang hindi pa natutukoy na patalim.


Patuloy na ang pagtugis sa suspek habang inihahanda na rin ang kasong homicide laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page