Lalaki, huli sa akto sa P6.8M shabu

by Mervin Reyes @News | October 25, 2026

Photo: PDEA RO 9
Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Naval intelligence personnel ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust operation sa Zamboanga City nitong Biyernes, Oktubre 23.
Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ang operasyon alas-2:15 ng hapon sa Brgy. Tugbungan, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa isang 35-anyos na hinihinalang high-value drug personality.
Kinilala ang suspek sa alyas Nildo, walang trabaho, residente ng Bongao, Tawi-Tawi.
Pinangunahan ng Regional Special Enforcement Team 1 ng PDEA Regional Office 9 ang operasyon, katuwang ang PDEA Zamboanga City Office at Naval Intelligence and Security Group–Western Mindanao (NISG-WM).





Comments