top of page

Lalakas ang WWE at UFC sa pagsasanib-puwersa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 5, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | April 5, 2023



Nagkaroon na ng 'blood compact' ang World Wrestling Entertainment Inc (WWE.N) ni Vince McMahon, biyenan ni dating WWE superstar Triple H o Paul Michael Levesque sa totoong buhay sa Endeavor Group (EDR.N) na nagmamay-ari ng sikat na mixed martial arts franchise na Universal Fighting Championships (UFC) upang bumuo ng mas bigating entertainment company na nagkakahalaga ng $21 billion nitong Lunes (Martes sa Pilipinas).


Pinag-iisa ng naturang kasunduan ang dalawa sa pinakamalalaking pangalan sa larangan ng wrestling at entertainment, habang tinutuldukan nito ang mga espekulasyon ng isang buwang proseso ng pagbebenta para sa WWE, na pinangangasiwaan ng co-founder at executive chairman nitong si McMahon na kababalik lang sa board ng kumpanya nitong Enero.


Together, we will be a $21-plus billion live sports and entertainment powerhouse with a collective fanbase of more than a billion people and an exciting growth opportunity,” wika ng WWE executive chairman. “The new company will be well positioned to maximize the value of our combined media rights, enhance sponsorship monetization, develop new forms of content and pursue other strategic mergers and acquisitions to further bolster our strong stable of brands,” dagdag ni McMahon na mananatili sa kanyang tungkulin sa bagong kumpanya bilang nagmamay-ari ng 51% ng Endeavor, habang ang ilang investor ng WWE ay may hawak ng iba.


Sinabi naman ni Emanuel na sasamantalahin niya ang kadalubhasaan ng Endeavor sa pagsiguro sa panukalang may kinalaman sa media, mga sponsorship at mga bagong paraan ng pamamahagi upang pasiglahin ang paglago sa bagong kumpanya, na kanyang pamumunuan bilang punong ehekutibong opisyal habang nagpapatuloy sa kanyang tungkulin sa Endeavor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page