top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laki at bilis ng Kiwis, 'di natapatan ng Gilas

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 28, 2022





Yumuko ang Gilas Pilipinas sa New Zealand, 88-63, sa pagwawakas ng kanilang kampanya sa 2023 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers kagabi sa Araneta Coliseum. Tinapos ng mga Pinoy ang window na may pantay na isang panalo at isang talo at tututukan na ang susunod na qualifier sa Hunyo.


Nakasabay ang Gilas sa mas matangkad at maskuladong Tall Blacks at lumamang ang mga bisita ng 10 lang matapos ang unang dalawang period, 40-30. Biglang pinatawan ng unsportsmanlike foul si Dwight Ramos isang minuto pa lang ang lumilipas at mula doon ay biglang umasim ang shooting at kabuuang laro ng mga Pinoy kaya lumayo ang New Zealand, 65-43, bago matapos ang third quarter.


Bumida muli sa Tall Blacks si Tom Vodanovich na gumawa ng 20 puntos at 10 rebound habang 20 puntos din si Dion Prewster. Nagpasikat din ang dating De La Salle Green Archer Taane Samuel sa kanyang 12 puntos bilang reserba.

Sinubukang buhatin nina Thirdy Ravena at Ramos ang Pilipinas subalit hinanap nila ang tulong mga kakampi. Nagtapos si Ravena na may 23 puntos habang double-double si Ramos na 18 puntos at 10 rebound.

Tatapusin ng New Zealand at India at window ngayong araw sa kanilang pangalawang tapatan simula 3:00 ng hapon sa Araneta Coliseum muli. Dinurog ng Tall Blacks ang mga Indian noong Huwebes, 101-46, upang magpasiklab agad sa unang araw ng qualifiers.


Samantala, hinihintay ang opisyal na desisyon ng FIBA tungkol sa kaso ng Timog Korea na hindi dumating para sa kanilang apat na laro. Ayon sa patakaran, isang koponan na hindi nakalaro ng dalawang magkasunod na beses ay madidiskwalipika sa torneo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page