top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lahat ng sangkot sa vote buying, sampulan!

BULGAR
Apr 9, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 9, 2022


Habang papalapit ang halalan, bantay-sarado ang mga ulat hinggil sa umano’y vote buying.


Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ilang local officials na sangkot sa umano’y vote buying.


Paliwanag ni DILG Secretary Eduardo Año, ang pagpapadala ng kagawaran ng notice to explain tuwing nakakatanggap sila ng mga impormasyon ay bilang pagtulong sa imbestigasyon at paghahain ng kaso ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa vote buying sa pamamagitan ng pangangalap pa ng maraming impormasyon.


Gayunman, aminado ang kalihim na may mga natatanggap din silang ulat ng vote buying na tanging larawan lamang ng mga opisyal ang laman na tila dinoktor pa.


Samantala, nagbabala si Año sa lahat ng mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa pondo ng taumbayan, gayundin ang iba pang mga pag-aari ng pamahalaan para sa kanilang pangangampanya. Gayundin, ipinaalala nito na hindi dapat gamitin ng barangay officials ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan para sa panghihikayat ng mga botante.


Matatandaang binuo ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay upang sugpuin ang mga alegasyon ng vote buying ngayong panahon ng kampanya.


Mabuting balita na tinutugunan ng mga kinauukulan ang ulat hinggil sa pagbili ng boto.

Hiling lang natin na sana’y mapanagot ang mga tunay na sangkot sa gawaing ito — may posisyon man sa gobyerno o wala.


Habang hindi natin maitatangging marami nang paraan para gawin ang vote buying, pakiusap sa mga kinauukulan, bantayang mabuti ang lahat ng puwedeng mangyari upang matiyak na hindi magtatagumpay ang naturang ilegal na gawain.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page