Lahat ng estudyante, dapat safe kontra COVID
@Editorial | October 20, 2022
Kasunod ng pag-aprub ng Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang blended learning sa mga pribadong paaralan, nanawagan ang mga guro na payagan din ang mga nasa pampublikong eskwelahan.
Unang sinabi ng DepEd na kailangang maging face-to-face ang klase sa lahat ng mga eskwelahan sa bansa simula Nobyembre 2.
Pero, nilinaw ito ng kagawaran at sinabing ang mga nasa public schools lang ang dapat mag-F2F classes nang limang araw. Habang ang mga nasa private ay puwedeng mag-distance at blended learning.
Gayunman, sa tingin ng ibang titser, dapat pareho na lang na pinayagan na magkaroon ng blended learning.
Ayon pa sa mga guro, hindi umano lahat ng eskwelahan ay magkakaroon ng blended kundi 'yun lamang mga mangangailangan talaga ng tinatawag na distance learning modalities, kahit isa o dalawang araw.
Hindi naman umano ito pahinga kundi pag-aaral pa rin dahil 'yung 1 araw ay puwedeng gamitin sa assignment. Maaaring online o modular.
Batod naman natin na walang pinipili ang COVOD-19. Puwedeng tumama sa kahit sino, estudyante ka man sa public o private schools.
Siguro, panahon na para pag-aralan ang bagong sistema ng edukasyon.
Walang nakakaalam kung kailan matatapos ang pandemya o kung hanggang kailan may banta sa kaligtasan ng bawat isa lalo na ng mga kabataan. Kaya matuto na tayo sumabay sa sitwasyon.
Magtiwala tayo sa proseso, sa mga guro, estudyante at mga magulang na kakayanin namang harapin ang mga pagbabago.



Comments