top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Lahat apektado sa dagdag-presyo sa gas

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2022
1 min read

@Editorial | February 21, 2022



Wala pa ring preno ang dagdag-presyo sa gas.


Kaya patuloy ang pag-aray ng mga drayber na umabot na sa pagbabanta ng malawakang tigil-pasada.


Ito ay dahil sa tila dinededma umano ng pamahalaan ang kanilang panawagan na taas-pasahe.


Bilang tugon, hinanap naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator ng pampublikong jeepney ang subsidiya na ibinigay ng gobyerno para sa mga tsuper.


Ayon sa ahensiya, aabot sa P6,500 ang inilaan para sa bawat yunit na ibinigay sa mga operator upang ipamahagi sa kanilang mga drayber.


Sakaling hindi nakarating ang ayuda, maituturing na paglabag ito sa nilagdaang pangko ng mga operator.


Napag-alamang noong nakaraang taon, nasa 135,000 public utility jeep (PUJ) ang nabigyan ng fuel subsidy.


Ngayong 2022, mahigit 377,000 umano ang nakatakdang bigyang-subsidiya dahil maging ang mga drayber ng bus, taxi, TNVS, traysikel at delivery services ay kasama na sa bibigyan ng ayuda.


Kahit paano ay malaking bagay ito pero, batid din naman natin na hindi ito pangmatagalang ayuda.


Sa non-stop oil price hike, mabilis na mauubos ang ayuda.


Sana’y makagawa ng paraan ang kinauukulan para magkaroon ng mas magandang solusyon sa usaping hindi.


Hindi naman pupuwedeng kada may taas-presyo sa gas ay magwewelga ang mga drayber at kasama sa magsasakripisyo ang mga komyuter. Sa huli, ang ekonomiya na naman ang malalagay sa alanganin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page