top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Laglag sa Top 5, binully… HIRIT NG MAY-ARI NG MISS U KAY MICHELLE: MOVE ON!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 22, 2023




Alam n’yo, ang sarap kutusan nitong si Anne/Jakkaphong Jakrajutatip, ang transgender na may-ari ng Miss Universe franchise na tila nagbigay ng mas maraming isyu sa Ms. Universe organization kesa sa solusyon.


May nag-viral kasing video kung saan parang binu-bully pa nito si Michelle Dee habang umaarteng parang super sweet sa ating naging pambato at nag-e-emote ng mga salitang, "Move on," habang nagpapa-interview.


Habang kaharap ang mga kamera, tila pinariringgan nito si Michelle na mag-move on na sa hindi nito pagkakasama sa Top 5 at may drama pa itong kung gagawa raw siya ng isang song ay Move On ang magiging title nito.


Nang tila makita nitong hindi komportable si Michelle na marespetong nagpaalam sa nag-i-interview, hinabol ito ng nakakasukang trans at muli sa harap ng mga kamera ay pinuri-puri nito ang ganda at talino ni Michelle.


Ito ‘yung mga oras na nasa Mexico na yata ang tropa ng mga beauty queens para sa opening ng isang beauty-cosmetics line na sponsor sa Miss Universe.


Take note, ha, hindi pa nag-Top 5 si Michelle nang lagay na ‘yan and yet, siya itong pinagkakaguluhan ng foreign media.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page