top of page

Lady Spikers, tutudlain ang lipad ng Falcons

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 19, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | April 19, 2023



Muling tutudlain ng Final Four-bound De La Salle University Lady Spikers ang mataas na lipad ng Adamson University Lady Falcons sa kanilang ikalawang paghaharap sa eliminasyon, habang susubukang buhayin ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang laban sa talsik ng Ateneo Blue Eagles sa nalalapit na pagtatapos ng second round ng eliminasyon ng 85th UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa MOA Arena, Pasay City.


Gigil na bumawi ng atake si super-rookie Angel Canino upang tulungang muling madala sa Final Four ang Lady Spikers matapos bumitaw ng maiinit na palaso sa huling laro kontra sa talsik ng UP Lady Maroons nang bumitaw ito ng kabuuang 17 puntos upang agarang kalimutan ang matamlay na laro kontra UST Golden Tigresses at mapanatiling nasa tuktok ng liderato sa 10-1 kartada.


Sobrang nakaka-proud lang din kasi galing kami sa talo. Sobrang laki ng lesson ng past game namin. Hindi kami papayag na ganu'n lang,” pahayag ni Canino, na humataw ng 13-of-26 kasama ang tig-dalawang aces at blocks. “Alam ko naman marami pang kailangan i-improve sa future games,” dagdag ng 19-anyos na 5-foot-11 outside hitter na tubong Bacolod City, kung saan katulong sina Thea Gagate sa 11 puntos at bagong hugot na si 6-foot-2 hitter Sheena Laput ng 9 na puntos.


Nagawang malampasan ng Lady Spikers ang Lady Falcons sa unang paghaharap nang pagbidahan ni Canino ang atake nangg rumehistro ito ng 21 puntos at 17 excellent receptions, kahit pa man nasadlak sa unang set sa 22-25, 25-14, 25-16, 25-19 noong Marso 19 sa FilOil EcoOil Centre. Muli ay maghaharap sa tampok na laro sa women’s division sa 2 pm habang maghaharap naman ang umaasa sa semis na Lady Tams at napatalsik na Lady Eagles, na unang beses nagpaalam sa Final 4 sapol noong season 71 sa alas-12:00 ng tanghali.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page