Lady Spikers nakaganti, Falcons binawian ang UP
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 2 min read
n GA / Mabel Vieron-OJT @Sports | March 23, 2023

Matamis na paghihiganti ang inilista ng De La Salle University Lady Spikers laban sa last season tormentor na defending champions National University Lady Bulldogs ng walisin ito bisa ng 25-10, 25-15, 25-21, habang nilipad naman ng Adamson University Lady Falcons ang ikalimang panalo para tapusin ang first round sa panalo sa straight set kontra University of the Philippines Lady Maroons sa 25-18, 25-17, 25-23, Miyerkules ng hapon sa 85th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Baon na baon ang pagkakatudla ng atake ng DLSU Lady Spikers laban sa defending champions upang makuha ang matamis na tagumpay at malupit na paghihiganti kasunod ng pangwawalis rito noong nagdaang 84th season na kahit isang panalong set ay hindi nakatikim ang Taft-based squad para sa 0-4 tapatan mula sa dalawang laro sa eliminasyon at ang serye sa Finals.
“Syempre ang saya talaga namin kase ginawa naming motibasyon yung last season,” pahayag ng beteranong playmaker na si Mars Alba na tumapos ng 20 excellent sets kasama ang tatlong puntos para biyayaan ng magagandang mga atake ang kanyang mga kakampi.
Samantala, nakamit ng Adamson University ang unang panalo sa unang round ng eliminations ng UAAP Season 85 men's volleyball tournament kahapon.
Natuldukan ng Falcons ang kanilang 6-game slide sa pamamagitan ng pagwalis sa winless na University of the Philippines (UP), 25-16, 25-19, 25-22, sa MOA Arena.
Pinagbutihan ng Falcons ang rekord para sa 7th place, habang itinulak ang Fighting Maroons sa ilalim ng standings na may 0-7 card. Samantala, nanguna si Evander Novillo sa Adamson na may 11 puntos, habang nagdagdag sina Mark Coguimbal at Jude Aguilar ng 17 pinagsamang marka.








Comments