top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

Lady rider, hinoldap ng riding-in-tandem, motor tinangay

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5
1 min read

ni Benjamin Chavez @News | September 5, 2026



Lady rider hinoldap ng riding in tandem sa Sta. Rosa - CCTV Sta. Rosa CCPS - ABS-CBN Circulated SS

Photo: Lady rider hinoldap ng riding in tandem sa Sta. Rosa - CCTV Sta. Rosa CCPS - ABS-CBN / Circulated / SS



Hinoldap ng dalawang hindi nakikilalang mga suspek ang isang lady rider, na sumilong dahil sa ulan alas-12:50 ng hatinggabi sa Masiit, Brgy. Labas, Santa Rosa City, Laguna.


Kinilala ng mga tauhan ng Santa Rosa Component City Police Station ang biktima na si alyas Crisel, 37, ng Brgy. Pook, Santa Rosa City, Laguna. Habang ang mga suspek ay dalawang lalaki na sakay ng isang motor.


Sa inisyal na imbestigasyon, nakaparada ang biktima sa gilid ng kalsada dahil sa ulan nang lapitan ng mga suspek.


Tinutukan ang biktima ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang motorsiklo, bag na naglalaman ng ID at pera, saka nagsitakas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page