Lady Knights, nakaalagwa pinasuko ang Lady Bombers
- BULGAR
- Mar 9, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 9, 2023

Nakabangon mula sa pagkakabaon sa 0-2 sets ang Colegio de San Juan de Letran Lady Knights para itulak ang come-from-behind victory kontra Jose Rizal University Lady Bombers sa bisa ng 14-25, 16-25, 25-20, 25-17, 17-15, habang patuloy na binokya ng panalo ng Arellano University Lady Chiefs ang San Sebastian Lady Stags sa fourth set panalo sa 27-25, 18-25, 25-17, 25-15 kahapon sa 98th NCAA Women’s volleyball tournament sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.
Napagwagian ng Lady Knights ang kanilang ikatlong sunod na panalo upang makuha ang 4-1 kartada para makasosyo sa University of Perpetual Help Sytem Dalta Lady Altas, habang patuloy na binokya ng panalo ang Lady Bombers na lumagapak sa 0-6 kartada.
Nasaklolohan ni Juls Castro ang atake ng Lady Knights higit na sa fourth at fifth set, katulong sina LJ Isar at Cha Cunada upang ibangon muli ang koponan.
Tumapos si Castro ng 16pts mula sa bench, habang bumira sina Judiel Nitura at Cunada ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod. “I’m lucky na nung binunot namin siya, nag-respond naman siya. Actually, matagal na niyang gustong maglaro,” wika ni Letran coach Mike Inoferio. “Actually meron siyang nararamdaman sa tuhod and ayaw naman namin siyang pwersahin.”








Comments