top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lady Goldie suportadong mga liyamadista

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 4, 2022



Masusubukan ang husay ni Lady Goldie laban sa pitong kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Gagabayan ni jockey JoL Siego si Lady Goldie upang makipagtagisan ng bilis kina Olympic Gold, Speedy Wego, Konzeelanz, Grand Princess, Temple Key, Kailuphia at El Lider Maximo.


Nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa distansiyang 1,300 meter race, hahamigin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000.


Komento ng ibang karerista, inaasahang magpapakita ng magandang performance ang Speedy Wego na sasakyan ni RM Adona at Kailuphia na rerendahan ni JL Siego.


"Kukuha ako ng dehado baka sakaling masilat si Lady Goldie," saad ni Bernie Talavera, karerista.


Pitong races ang ilalarga ngayong araw kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Samantala, nag-post sa social media ang Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ng mga nagdeklara ng pagsali sa 2022 PHILRACOM "Classic Cup Race Division II" na ilalarga sa Marso 20 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Kasama sa mga sasali ay si Patong Patong na sasakyan ni jockey RC Baldonido sa distansiyang 1,800 meter race. Napipisil ng mga karerista na tayaan ang mga nagsaad ng pagsali na si Spandau Ballet na papatungan ni Pabs Cabalejo.


Maliban kina Patong Patong at Spandau Ballet, ang ibang nominado sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Batang Cabrera, Flattering You, Magtotobetsky at Tocque Bell.


Maging si Tocque Bell na rerendahan ni PSA Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez ay kasama sa mga kuwentuhan na posibleng makasilat sa laban.


May guaranteed prize na P750,000 ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan hahamigin ng mananalo ang P450,000. Ibubulsa ng second placer ang P168,750 habang mapupunta sa third at fourth ang tig P93,750 at P37,500.


Mga Pili ni Green Lantern: Race 1. Lady Goldie (8), Speedy Wego (2), Konzeelanz (3)


Race 2. Quick Buck (5), Signature Move (6)

Race 3. Top Creed (4), Phenom (3), Lady Of Peace (7)

Race 4. Luyang Cave (7), Imperium (1)

Race 5. Sinag (1), Top Romance (5), Chase The Gold (4)

Race 6. Spyglass (2), Suzie Cat (5)

Race 7. Red Hawk (1), Pilya (7), Bonifacio (6)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page