top of page

Lady Eagles at Bulldogs, umatake, Belen, malakas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | April 13, 2023



Mga laro sa Sabado

(Philsports Arena, Pasig City)

10:00 n.u. – UE Warriors vs. Adamson Falcons (men’s)

12:00 n.t. – UE Lady Warriors vs. Adamson Lady Falcons (women’s)

2:00 n.h. – Ateneo Blue Eagles vs. UST Golden Tigresses (women’s)

4:00 n.h. – Ateneo Blue Eagles vs. UST Golden Spikers (men’s)


Parehong winalis ng National University Lady Bulldogs at Ateneo de Manila University ang mga katunggaling Adamson University Lady Falcons sa bisa ng 26-24, 25-16, 25-22 at University of the Philippines Lady Maroons sa straight set 25-20, 25-17, 25-22, kahapon sa mas lumalalim na aksyon sa second round ng eliminasyon ng University Athletic Association of the Philippines season 85 women's volleyball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.


Muling umatake ng pambihirang laro si reigning Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen para pangunahan ang defending champions Lady Bulldogs sa paglapang sa Lady Falcons sa inirehistrong 20 puntos mula sa 18 atake at dalawang blocks kasama ang 11 excellent receptions, habang nakatulong niya sa puntusan sina Alyssa Solomon sa 11pts mula sa siyam kills at dalawang butata at Evangeline Alinsug sa 10pts, gayundin ang suporta nina libero Jen Nierva sa 12 receptions at 10 digs at Camila Lamina sa 15 excellent sets kasama ang apat na puntos.


Dahil sa panalo ng Lady Bulldogs ay nakatabla ito sa Adamson kasama ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa 7-3 kartada sa ilalim ng nangungunang De La Salle Lady Spikers sa 9-1 marka. “Nag-unwind muna kaming teammates para naman ma-relax kami amd ma-restart kung anong iyong ginawa namin. Sinet naming yung goal namin kung anong gagawin namin this game and this round,” pahayag ni Belen.


Matinding pagbawi naman ang ipinakita ng Ateneo sa pangunguna ni ace-hitter Faith Nisperos na bumanat ng kabuuang 17 puntos sa lahat ng atake, kasama ang pitong digs upang maiangat ang koponan sa 4-6 kartada para sa solo sixth place na umaaasang makakabalik sa semifinals kasunod ng third place finish nung nagdaang season.


Nakakuha ito ng suporta mula sa ibang players tulad nina Vanessa Gandler na tumapos ng siyam puntos at Lyann De Guzman na may walong puntos mula sa pitong atake at isang block, kasama ang pitong excellent receptions na nakatakdang paghandaan ang third placer na UST Golden Tigresses sa Sabado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page