Lady Chiefs at Cardinals, sakalam vs. LPU at JRU
- BULGAR
- Mar 2, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 2, 2023

Mga laro bukas (Biyernes):
(San Andres Sports Complex)
9:00 n.u. – Letran Knights vs San Sebastian Stags (men’s)
12:00 n.t. – Letran Lady Knights vs San Sebastian Lady Stags (women’s)
Hindi pinaporma ng dating 3-time champions Arellano University Lady Chiefs sa pangunguna ng kanilang kapitanang si Trina Marice Abay ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates sa bisa ng straight set 26-24-, 25-16, 25-16, habang nakuha ng Mapua University Lady Cardinals ang ikatlong sunod na panalo kontra sa kulelat na Jose Rizal University Lady Bombers sa 25-23, 27-25, 21-25, 25-23, Miyerkules ng hapon sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.
Nagawang makabawi ng Arellano sa huling pagkatalo upang makuha ang three-way tie kasama ang huling koponang tumalo sa kanila na University of Perpetual Help System Dalta Lady Altas at pinataob na Lady Pirates sa 3-1 kartada.
Naging maangas ang senior player na si Abay sa inirehistrong 11 puntos mula sa 5 atake at anim na blocks para segundahan ang pangunguna sa puntos ni Marianne Padillon sa 12pt mula sa walong atake at apat na blocks, gayundin si Laika Tudlasan na ibinuhos ang 10 sa 11 puntos mula sa atake at Janice Manuntag sa lahat ng puntos sa siyam na atake, kasama ang 10 digs at walong excellent receptions.
Pilit iniangat ni Joan Doguna ang Lady Pirates sa 13 puntos, habang may tig-7 puntos sina Janeth Tulang at Johna Dolorito at Jewel Maligmat na may 6 na puntos.








Comments