Lady Bulldogs, hahasain ang pangil, babawian ang Spikers
- BULGAR
- Mar 28, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 28, 2023

Mga laro sa Miyerkules
(SM Mall of Asia Arena)
Second Round Eliminations
10:00 n.u. – UE Red Warriors vs UST Golden Spikers (men’s)
12:00 n.u. – UE Lady Warriors vs UST Golden Tigresses (women’s)
2:00 n.h. – FEU Lady Tamaraws vs DLSU Lady Spikers (women’s)
4:00 n.h. – FEU Tamaraws vs DLSU Spikers (men’s)
Sinigurong babawi sa susunod na laro ang defending champions na National University Lady Bulldogs matapos malasap ang ikalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng undefeated na De La Salle University Lady Spikers sa pagsisimula ng kampanya sa 2nd round ng 85th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament nitong Sabado.
Ito ang binitawang pangako ni outside hitter Evangeline Alinsug patungkol sa panibagong pagkatalo na nagresulta sa pagbagsak ng koponan sa ikatlong puwesto katabla ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa 5-3 kartada. “After po noong last loss namin noong Wednesday [also against La Salle], may dalawang araw po kami na mag-training. So, pinag-usapan po namin lahat na lahat po ng ginawa namin sa training gagawin namin ngayon,” pahayag ni Alinsug. “And napakita naman po namin, pero alam namin na may kulang pa. Alam ko na may kulang pa. Pero yun nga, sa susunod alam namin na babawi talaga kami,” dagdag ni Alinsug na sunod na makakalaban ang namomroblemang University of the Philippines Lady Maroons sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Subalit bago nila maisakatuparan ang naturang pagnanais ay kinakailangang bantayang mabuti ng Lady Bulldogs ang sangkaterbang errors na inirehistro sa nagdaang laro na umabot umano sa 31, habang ayon listahan ay may kabuuang 26 errors ang Jhocson-based lady squad kumpara sa 12 lamang ng DLSU na tinukoy na dahilan ng pagkatalo higit na sa mga importante at krusyal na pangyayari upang muling mawalis ito sa bisa ng 24-26, 24-26, 16-25.








Comments