Lady Bulldogs champ sa SSL, Panique highest scorer
- BULGAR

- Jul 17, 2024
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | July 17, 2024

Muling pinatunayan ng National University Lady Bulldogs ang kanilang lakas nang kunin ang back-to-back championship kagabi laban sa FEU Lady Tamaraws sa 5th sets, 25-21, 25-23, 25-20, 25-19 at 15-10 sa Game 2 finals ng Shakey's Super League National Invitational na idinaos sa Ninoy Aquino Stadium.
Si Arah Panique ang itinanghal na highest scorer at Most Valuable Player of the Match. "Siguro dahil sa inaaplay ko sa mga natutunan ko sa team, dun nabu-boost ako para spike ko ang bola tuwing ise-set sa akin. Siguro puso lang po every game, communication and tiwala sa sarili, " ayon kay Arah Panique matapos na makuha ang kampeonato sa laro.
Samantala, muling namayani ang reigning NCAA champion College of Saint Benilde kontra Letran Lady Knights sa mahigpitang laro nang tumagal ng 2 oras at 10 minuto para sa limang sets, 23-25, 25-14, 19-25, 25-20, 17-15 at kunin ang tanso na pinanood ni ni Shakey’s president Vic Gregorio at ACES president Dr. Ian Laurel.
Mahigpitan ang laro at parehas gustong manalo at kinuha ng St. Benilde sa kabayanihan ni wing spiker Zamantha Nolasco at error ng Letran matapos magtabla 15-all sa deciding fifth set.
Umiskor si Nolasco ng 14 points at nakipagsanib-puwersa kina Rhea Mae Densing 24 points at Wielyn Estoque ng 18 markers. Gumawa ang Saint Benilde 109 total points kontra sa Letran umiskor 99 markers sa labanan nang dalawang powerhouse sa NCAA.
“I reminded the players stay focus and put their heart into the game if they want to win.
That’s what they did. It was a hard-earned win,” sabi ni coach Jerry Yee.
Umiskor si ace spiker Gia Marcel Maquilang ng 25 points. Subalit hindi makakuha solidong suporta sa kanyang mga kasamahan at si Nzelle Aenyan Martin nang nakagawa lamang seven markers at si Royce De la Cruz ng 3 sa lungkot ni coach Oliver Allan Almadro.




Comments