Lady Bombers, sumampa sa semis makakatapat ang AU Chiefs
ni Gerard Arce - @Sports | July 16, 2022

Magpapatuloy ang kampanya ng No.4 Jose Rizal University Lady Bombers sa second round ng stepladder semifinals matapos patalsikin ang No.3 San Sebastian College-Recoletos Lady Stags Stags sa 5 set sa iskor na 25-21, 18-25, 22-25, 25-20, 15-9 kahapoon sa season 97th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V-Centre sa San Juan City.
Dahil sa panalo ay sunod na makakatapat ng Lady Bombers ang defending champion Arellano University Lady Chiefs sa linggo para sa second round ng stepladder semifinals knockout stage upang makaharap ang naghihintay na undefeated College of St. Benilde Lady Blazers sa best-of-three finals sa susunod na linggo.
Hindi pumayag ang kapatiran ng Lady Bombers na si Dolly Grace Versoza na magtapos ang kanyang last playing year na hindi nakukuha ang nais na mataas na puwesto sa collegiate league nang pumutok ang 16 puntos mula sa 13 atake at 15 excellent digs.
Naging malaking tulong si Versoza upang kunin ang matinding atake sa 5th set nang ilunsad ang 6-0 run. Subalit kumana ng 7-3 run ang Lady Stags upang maidikit ito sa 7-9 iskor mula kay Shannai Shane Requierme. Gayunpaman, napanindigan ng Mandaluyong-based lady spiker ang matinding pag-aasam sa panalo nang ihataw ang 6-2 blast sa pangunguna ni Versoza na siya ring tumapos ng laro sa matinding hataw.
Nanguna sa puntusan para sa JRU ang isa pang graduating player na si Renesa Melgar sa 18pts mula sa 14 atake at 4 blocks, gayundin si middle blocker Sydney Niegos na may 15 pts sa 12 atake at 3 blocks, habang may naiambag si Riza Rose ng 9pts at Jonazel Egera ng 8pts.





Comments