top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lady Bombers giniba ang SBU, sa Final 4 na vs. Pirates

BULGAR
Jul 9, 2022
1 min read

ni GA - @Sports | July 9, 2022



Parehong buhay pa ang tsansa ng Jose Rizal University Lady Bombers at Lyceum Lady Pirates para sa isang pwesto sa Final 4 matapos mailista ang magkahiwalay na panalo upang maipuwersa ang three-way tie sa 4th place ng 97 NCAA women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila kahapon.

Naunang winalis ng JRU ang San Beda University Lady Red spikers sa bisa ng 25-19, 25-16, 25-19 sa unang laro, habang naitakas ng LPU ang dikdikang 5-setter victory sa 25-27, 25-22, 16-25, 25-18, 15-13 upang tumabla sa Mapua University Lady Cardinals sa 4-4 kartada.

Nagtulong sina Janeth Tulang at Venice Puzon upang talunin ang SSC Lady Stags sa 4th set at manatiling buhay ang pag-asa sa Final 4. Naglista si Tulang ng 16 puntos kabilang ang importanteng 4 na puntos sa last set, habang magkasunod na drop ball at service ace ang binitiwan ni Puzon para ibigay ang panalo sa LPU.

Nagbida para sa LPU si Johna Dolorito sa 18pts, gayundin si Jewel Maligmat sa 12pts habang nasayang ang 18 pts ni league-leading scorer Katherine Santos, kasama si Christina Marasigan sa 14pts.

Pinangunahan ni Renesa Melgar ang atake ng JRU sa game-high 15 puntos mula sa 12 attacks, 2 blocks at 1 ace, na sinegundahan naman ni Dolly Grace Versoza sa 10pts. “Pinaghandaan po namin itong game na ito kase very important ito para sa amin ngayon para umangat kami sa standings lalo na’t may opportunity kami na mag-final four,” wika ni Melgar na sunod na makakalaban ang LPU sa Martes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page